tales of a princess

Sunday, April 24, 2005

for Mothers' Day 2005

Ayoko ng makulit.

Makulit ang aking ina kaya lagi kaming nag-aaway.

Wala akong pasensya…

Palagi kaming nagkakasigawan.

Pero kahapon, aking nadiskubre na kaya ko naman palang magpasensiya…kung talagang susubukan.

Dalawang gabi na akong walang tulog dahil sa trabaho. Sa ikatlong gabi, kailangan kong maghost sa reunion nina Mama. Galit na galit ako kasi mas gusto kong matulog.

Nagrereklamo ako kay Papa habang papunta kami doon.

Pero nang makita ko na si Mama, hindi ko kinayang awayin siya dahil alam kong mahalaga ang gabing yun para sa kanya.

Huminga ako ng malalim at nagsabi, “Ma, kung hindi lang kita mahal, natulog na lang sana ako…”

Ma, Advance Happy Mothers’ Day!!!